Posted in LETTERS, RANDOM THOUGHTS, REFLECTIONS

“ETO NGA PALA ANG SINAYANG KO”

Sa unang lalaking nagpatibok ng aking puso,  para sa’yo ‘to.

Kamusta ka?  Tingin ko masaya ka na ngayon.  Balita ko may sarili ka nang pamilya. May magandang asawa at isang cute na anak na babae. Wala akong gaanong impormasyon tungkol sa’yo dahil nga matagal mo na akong binlock sa Facebook.

Alam ko. Oo.  Ang pinto mo para sa akin ay matagal nang sarado at nakakandando mga siyam (9) na taon na nakararaan.

Minsan habang nag eexplore ako sa FB,  hindi ko sinasadyang mahanap ang account mo sa isang mutual friend. Doon,  nakita ko ang masayang buhay mo ngayon.

Sa totoo lang,  I felt bittersweet.

“Eto nga pala yung sinayang ko,” bulong ko sa sarili ko.

Ang funny noh?

Kung hindi lang ako naging duwag noon,  siguro.. Siguro may chance pa tayo.  Siguro…

Kapag inaalala ko ang ilang bagay tungkol sa’yo, hindi ko mapigilang mamiss ka.  Yung ngiti mo.  Yung mga titig mo. Yung boses mo.  Lalo na yung mga mapupungay mong mata.

Wag kang mag-alala.  Nakamove on na rin naman ako. Tanggap ko naman na ang katotohanan na malabo nang maging tayo. Tanggap ko na na ang kaligayahan mo ay hindi sa piling ko.

Ngunit ayoko rin namang lokohin ang sarili ko.  Oo,  minsan naiisip pa rin kita.  Minsan, hindi ko sinasadyang mamiss ka.  Alam ko namang hanggang iling na lang ako ngayon,  dahil masaya ka na kung nasan ka man ngayon.

Siguro kung sakaling mabasa mo ito, malamang tatawanan mo lang din ako. Well, ganoon talaga ang buhay.

Ngunit kung sakaling magkita man muli tayong dalawa nang personal,  sana ay..  Sana sa panahong yun ay napatawad mo na ko. Sana.. Sana maging magkaibigan man lang tayo sakaling dumating ang oras na yun. Sana..

Maingat ka palagi.

Hanggang sa muli.

Mahal,  patawad,
kung mahal pa rin kita..”
-“Ang Iwasan” by Moira Dela Torre

Author:

Saved by His grace.

Share your Thoughts about the Post