Posted in LETTERS, RANDOM THOUGHTS, REFLECTIONS

“ETO NGA PALA ANG SINAYANG KO”

Sa unang lalaking nagpatibok ng aking puso,  para sa’yo ‘to.

Kamusta ka?  Tingin ko masaya ka na ngayon.  Balita ko may sarili ka nang pamilya. May magandang asawa at isang cute na anak na babae. Wala akong gaanong impormasyon tungkol sa’yo dahil nga matagal mo na akong binlock sa Facebook.

Alam ko. Oo.  Ang pinto mo para sa akin ay matagal nang sarado at nakakandando mga siyam (9) na taon na nakararaan.

Minsan habang nag eexplore ako sa FB,  hindi ko sinasadyang mahanap ang account mo sa isang mutual friend. Doon,  nakita ko ang masayang buhay mo ngayon.

Sa totoo lang,  I felt bittersweet.

“Eto nga pala yung sinayang ko,” bulong ko sa sarili ko.

Ang funny noh?

Kung hindi lang ako naging duwag noon,  siguro.. Siguro may chance pa tayo.  Siguro…

Kapag inaalala ko ang ilang bagay tungkol sa’yo, hindi ko mapigilang mamiss ka.  Yung ngiti mo.  Yung mga titig mo. Yung boses mo.  Lalo na yung mga mapupungay mong mata.

Wag kang mag-alala.  Nakamove on na rin naman ako. Tanggap ko naman na ang katotohanan na malabo nang maging tayo. Tanggap ko na na ang kaligayahan mo ay hindi sa piling ko.

Ngunit ayoko rin namang lokohin ang sarili ko.  Oo,  minsan naiisip pa rin kita.  Minsan, hindi ko sinasadyang mamiss ka.  Alam ko namang hanggang iling na lang ako ngayon,  dahil masaya ka na kung nasan ka man ngayon.

Siguro kung sakaling mabasa mo ito, malamang tatawanan mo lang din ako. Well, ganoon talaga ang buhay.

Ngunit kung sakaling magkita man muli tayong dalawa nang personal,  sana ay..  Sana sa panahong yun ay napatawad mo na ko. Sana.. Sana maging magkaibigan man lang tayo sakaling dumating ang oras na yun. Sana..

Maingat ka palagi.

Hanggang sa muli.

Mahal,  patawad,
kung mahal pa rin kita..”
-“Ang Iwasan” by Moira Dela Torre

Posted in REFLECTIONS

WHERE DO BROKEN HEARTS GO?

Where do broken hearts go? Saan nga ba?

Healing is a process. Moving on is a process. Everything’s a process. And most of them are awfully painful at first, but do give you an inexplicable peace in the end.

To be honest, I still don’t feel okay. The pain is still here. Though medyo nabawasan na siya, but I can’t tell na okay na talaga ako. Ang hirap pala talaga pag may tinatanggal si Lord na something sa life mo, noh? Ang sakit. Sobrang sakit. Alam mo ung feeling na may something kang kinaadikan nang ilang taon, tapos all of a sudden mawawala sa kamay mo… Ang hirap. But then you’ll realize that it’s for your own good naman.

tumblr_mp6cqmqJ1C1qdok4ro1_500

There are times I find this thing ridiculous. Nakakatawa na nakakainis. Yung akala mong ‘mutual’, but in the end, nalaman mong ‘unrequited’ pala?! Saklap bes. Nakakaloka noh? Siguro nga, isa akong dakilang assumera. Hahahaaaayst.

Little by little, natatanggap ko na rin ang situation. But as what I said earlier, kinaadikan mo ng ilang taon e. Kaya di mo rin maaalis na mapaparanoid ka minsan, hahanap-hanapin mo nang pasimple… Stalk dito, Stalk doon. Tapos masasaktan ka. Emote dito, emote doon. Stupid, right?

January pa lang. And may mahigit 11 months pa na parating sa year 2017 na ‘to. Of course, I expect na hindi talaga magiging madali ito para sa akin, ang pagmu-move on. Strike 2 na ‘to bes e. Gets? Kaya it takes time talaga to heal, and the hand of God, of course. Acceptance. Ugh. Honestly, sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, minsan gusto ko na lang maging manhid. O di kaya’y magkakalyo na lang sa puso para maimmune na ba sa pain. Paano nga ba magkaroon ng kalyo (callus) sa puso? Nakakapagod na kasi e.

While I’m listening to some mellow music, nagplay ung “Where Do Broken Hearts Go” na version ni Erik Santos. E di kanta naman ang lola ninyo. Pagdating sa chorus, “Where do broken hearts go ♫♪♫♫”  I heard a voice inside of me, saying,

“E di kay Lord.”

Oo nga naman. Kung brokenhearted ka, why go/run to places that you know it will only make your situation even worse? Bakit hindi na lang kay Lord? Bakit hindi mo na lang kay Lord iiyak ang lahat ng iyan? Lahat ng sakit, pait, galit o kung ano pa man yan. Why not let God heal you?

“Jesus replied, ‘You do not realize now what I am doing, but later you will understand.'”
-John 13:7

There are times na hindi mo talaga maintindihan ang mga bagay-bagay na nangyayari. Minsan mapapatanong ka na lang, “Bakit ganun, Lord? Bakit ganito… Bakit ganyan…”  Yes, it’s easier to just give up. It’s easier to go to different kinds of vices just to forget the pain or whatever.. Maybe it’s easier to just get a blade, cut your wrist and end your life, so to end your sufferings, too. But that’s not it e. It’s not the right solution.

Sabi nga e… His ways are higher than our ways… His thoughts are higher than our thoughts. Hindi mo man maintindihan ang mga bagay-bagay sa buhay mo ngayon, pero ang Lord, He knows His plans for your life very well. All we need to do is to trust Him. May mga bagay talagang tinatanggal ang Lord sa buhay mo dahil sagabal ang mga yun sa pag-journey mo dun sa destiny na plan Niya for you.

Never put a question mark where God has put a period.

It’s okay to cry. It’s okay to shed tears for a moment. Pero wag naman forever diba. May mga bagay talaga na kailangang matapos para magkaroon ka ng bagong simula. Paano ka nga naman makaka-move forward if you keep on looking at the past?

He knows every crack of your heart. He sees your most secret tears. He hears your most silent prayers that you can’t even utter. He knows everything about you. He knows you very well. So, just surrender every pieces of your broken heart unto His hands, and let Him do the healing. Every pieces, huh?! No reservations.

Just give Him your brokenness and let Him make you whole again. He will. I know He will.